Ghost Ghost

My Button Collection

YM Chat

I have this crush since third year college. Actually, senior ko siya nun. Naging classmate sa isang subject tapos naging mentor ng grupo para isang major project. Naging magkasama at nagkaka-kwentuhan. I’m into persons na matalino, yung may laman at alam ang sinasabi. Yung medyo mayabang pero may dapat ipagyabang lalo na kung katalinuhan ang pag-uusapan. Di bale ng hindi gwapo. Attracted kasi ako sa ganun. Well, ganun siya. The kind of guy I really like.

Bakit ko ba sinasabi ito? Kasi ka-YM ko siya today. At take note, hindi ako ang nagsimulang makipag-usap sa kanya. Siya. Nagulat na nga lang ako na nakikipag-chat siya sakin nagyon eh ang tagal na naming walang communication. Anumang dahilan okay lang (kilig). Dahil madalas siyang busy.

Pero may asawa na siya. He just got married this year, atleast 3 years ago. That really made my heart broken. Nawalan man kami ng communication pero he’s just the type of guy that I like. Pero wala akong balak manira ng relasyon ah. Happy lang ako ngayon na nakapag-usap ulit kami, kahit through chat lang. Hindi ka kasi mababato sa usapan pag siya ang kasama.

But what if nasabi ko sa kanyang crush ko siya? Mukhang wala namang mangyayari. LOL. Basta, masaya lang ako ngayon.

Button Theme